Rationalization sa EO 366 at korapsyon sa LTO-Tarlac

BIBIGYANG-daang muli  ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  text message at  mga nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po  ang mga nakasaad sa kanilang  padalang text messages at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD PM po. Humihingi kami sa inyo ng tulong para maipaabot  kay DBM Secretary Florencio Abad  ang pagbibigay ng priority sa aming Rationalization sa ilalim ng EO 366 ng aming opisina na Telecomuni-cation Office ng DOST-ICTO.

Mahigit na apat na taon na po kaming walang ginagawa  sa opisina kundi mag-in and out lang.

Nakahihiya na at nakokonsensiya  na kami sa taxpayers na nagpapasahod sa amin.

Kung tutuusin ay mainam  ito para sa amin dahil sumasahod kami nang walang ginagawa.

Ang kaso nga ay nakokonsensiya na kami  sa ganitong klaseng gawain. Sana maiparating ito sa kinauukulan para agad na mapondohan.

Thanks and more power. TELOF Employees Assn.MMLA.

MAGANDANG tanghali po, Madam Lily.

Sana matawagan ng pansin ang mga ginagawa ng mga nasa opisina ng LTO rito sa Tarlac, dahil po sa kalakaran na ginagawa nila.

Gaya na lang po ng mga tao na walang pampadulas, tumatagal po ang proseso sa lisensiya, pero yung may mga pampadulas kahit kararating lang nauuna pa pong matapos kaysa sa taong matagal nang nag- aantay.

Sana po matawagan ng pansin  ang hepe ng LTO na si Virginia Tor-res, tutal taga-Tarlac naman po siya.

Sana nga po matapos na ang ganitong problema rito, kahit po kayo ay puwede munang i-survey para makita ninyo ang mga gi-nagawa nila.

Maraming-maraming salamat po at more power sa Lily’s Files Column ninyo.

GOOD AM. Masyado naman yatang huli ‘yung palusot ng Va-lenzuela  City Hall hinggil sa inuman issue, eh, sa totoo lang naman maraming SK ang Valenzuela na nakikita kong mga lasenggo at lasengga.

Sana naman, sa halip na bigyan ng katwiran ‘yung mga kabataang sangkot sa inuman ay kastiguhin nila dahil  anong klaseng pinuno ng bayan ang makukuha nila kung ganitong mga bata pa lang  ay mga lasenggo na?

Mayor Win Gatchalian, kung ganyan kayo kakunsintidor sa mga kabataan, aba eh, huwag na kayong tumakbong mayor, pusong mamon ka pala.

Bukas po ang Lily’s Files Co-lumn natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  09155683000  at  09087230036 o kaya ay mag email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply