RD ng Region 8 swak sa sugal at pagbabago sa Milagros

SIMULA nang masuspinde noong nakaraang linggo dahil sa katiwalian si Mayor Natividad Isabel Revil Magbalon, ng Milagros, Masbate, medyo nakahinga ng maluwag ang maliliit na mangingisda sa nasabing bayan.

Sa loob kasi ng halos siyam (6) na taon sa puwesto, halos lumuha ng dugo ang nasabing maliliit na mangingisda dahil sa matinding panggigipit na kanilang dinanas sa administrasyon!

Ang masakit, parekoy, habang sila ay nagdidildil sa asin ay kitang-kita nila kung paano mistulang protektado ang “commercial fishermen” na nagmumula sa Cebu at Iloilo habang inaararo ng mga ito ang karagatan ng Milagros!

Ngayong si Hon. Gavino Regodon ang Acting Mayor ay nangako ito na habang siya ang nakaupo ay magdedeklara siya ng “moratorium” para kahit paano ay makatikim naman ang mga mangingisda ng Milagros ng produkto ng kanilang sariling karagatan!

Ayon nga, parekoy, sa mga nakausap nating taga-Milagros, sa loob ng nasabing panahon ay natuto sila ng leksyon kung paanong hindi dapat ibenta ang kanilang mga boto sa election.

Dahil aktuwal umanong naranasan nila ang pamamahala na walang pagmamahal palibhasa ay nakuha sa pamamagitan ng pagbili ng mga boto!

Parang nakakita sila, parekoy, ngayon ng “Mesias” sa ka-tauhan ni Acting Mayor Gavino “Benong” Regodon!

-o0o-

KARUGTONG po ito Gen. Elmer Soria ng mahabang listahan ng gambling lords sa Region 8 na diumano ay sentralisado sa Regional level ng PNP ang “lingguhang tongpats!”

Si Nonie Gabrino ang namamayagpag sa Mahaplag at Abuyog (5th Dist.) Leyte at maging sa Sogod, So. Leyte. Si Jun Saldoa naman ang matikas rin na lord sa Abuyog.

Hawak naman ni Andem Gertos ang sugal sa buong Bato at Matalom (5th Dist.) ng Leyte. Si Santiago ‘Tagoy’ Tobis ang matikas na lord na siyang nakarekopo ng operasyon ng iligal na sugal sa buong 1st at 2nd district ng Northern Samar. Dapo Aurello naman ang kilalang lord sa 1st Dist. ng Northern Samar.

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply