Rebel returnee patay sa engkuwentro sa Ilocos Norte

NAPATAY ang isang rebel returnee habang isa ang nasugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng grupo ng mga armadong kalalakihan at mga pulis at Army sa Barangay Cabuusan, Currimao, Ilocos Norte, kagabi.

Kinilala ng awtoridad ang napatay na si Carlo Magbulos, tubong Brgy. Gulpeng, Pinili, Ilocos Norte.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), agad silang bumuo ng dalawang team, isa sa PNP at isa sa Army matapos magresponde dahil sa ulat na may grupo ng mga armadong kalalakihan na nasa Brgy. Cabuusan.

Sinabi ni P/Insp Franco Catalan, deputy chief of police ng Currimao, Ilocos Norte, agad silang nagpakilala nang makita ang anim na armadong kalalakihan ngunit sila ay pinaputukan.

Inihayag naman ng mga kaanak ng biktima, nagbalik-loob sa pamahalaan si Magbulos, dalawang taon na ang nakararaan.

Ayon sa kapatid ni Magbulos, pasado ala-7:00 kagabi nang makarinig sila ng mga putok ng baril matapos umalis ang kanyang kapatid upang ihatid ang mga kasamahan na nagtanim ng palay.

Nagulat na lamang sila nang malaman na napatay ang kapatid sa sinasabing engkuwentro.

Isa sa mga armado na nasugatan sa labanan ang ginagamot sa hospital ngayon, habang ang ilan ay nakatakas at dalawa ang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply