Record breaking achievement

NAGPAPAKITANG-GILAS talaga ang liderato ni Comm. Ruffy Biazon.

Akalain mo, dalawang international drug  couriers ang kanilang nalambat sa loob lamang ng 24 oras.

Noong Sabado, naaresto ang isang lady Thailand national matapos makumpiskahan ng 3.148 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P15.74 million.

Si Napaporn Khamsa ay nag-mula sa bansang Dubai  sakay ng flight EK332.

Kinabukasan (Linggo) nabuko ang Thailand national din na si Raphirat Sukkasem, 32, na may dalang shabu sa kanyang bagahe.

Nakita sa kanya ang 2.987 kilo ng droga.

At sa ulat, pinangunahan nina Col. Marlon Almeda, BOC-NAIA district chief at Byron Carbonell, Legal and Investigation head at hepe ng NAIA Task Force React  ang operasyon na nagresulta sa pagkakadiskubre at pagkakadakip ng dalawang dayuhan.

Dalawang malalaking matagumpay na operasyon na ‘di pa umabot ng 24 oras – aba’y record-breaking achievement ‘yan ng liderato ni Biazon.

Siguradong palakpak na naman ang tenga ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa magandang trabaho na ito ng pamunuang Biazon.

Kung  susumahin natin, aba, nakasiyam nang drug haul ang BOC mula nang italaga ni PNoy si Biazon bilang customs commissioner.

At ang pitong international drug couriers na kilala rin sa tawag na drug mule ay isa-isang kinasuhan dahil sa paglabag ng dangerous drugs act.

Ang pitong foreign drug mules na naunang nahuli ng BOC sa NAIA ay malungkot na humihimas nga-yon ng malamig na rehas.

Malayo sa mga mahal sa buhay, ang Indonesian na si Fran-cesca Jovian, Malaysians Tamil Selvi Veloo, Chandrar Nadarajan at Ooi Hock Guan; Vietnamese  Duong Thi Yen; Nepalese Sun Bahadur Tamang at Singaporean Danny Boon Eng Ng ay habambuhay na makukulong dahil sa pagda-dala ng droga papasok sa ating bansa.

Sa sindikato naman na pilit na nagpapasok ng droga sa ban-sa, aba’y sana matakot na kayo dahil masasakote kayo ng BOC Task Force React.

Eh, ano pa nga ang masasabi na naman natin?

Again, congrats kay Comm. Biazon at mga tauhan.

Ituloy n’yo lang ang magandang trabaho.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply