Recto, Malakanyang oks na, Purisima nagsori

NAGKABATI na ang Malakanyang at si Senator Ralph Recto makaraan ang dalawang oras na caucus kanina sa Senado kasama sina Budget Secretary Butch Abad, Health Sec. Enrique Ona at PLLO Secretary Manuel Mamba .

Nabatid na humingi ng paumanhin si Finance Secretary Cesar Purisima na agad namang tinanggap ni Recto.

Pumayag na rin umano si Purisima sa P40-B revenue target sa sin tax.

Ani Recto, ang mahalaga ay nagkaliwanagan na at nalinawan na misquoted lamang ang mga opisyal at ibang anggulo ang lumabas sa media.

Naglabas din ng sama ng loob si Recto sa nasabing caucus.

Agad namang umalis si Senator Franklin Drilon.

Ayon kay Sen. Gringo Honasan, nilinaw ni Mamba na hindi niya inaakusahan ang mga senador partikular ang nagbitiw sa Senate committee on ways and means na si Recto na tumanggap ng lobby money sa halip ay nagkaroon lamang ng misinterpretation sa kanyang sinabi sa media.

Magugunitang nagbitiw sa pwesto si Recto dahil sa batikos laban sa kanyang committee report, lalo na sa umanoy akusasyon ni Mamba na tumanggap siya ng lobby fund kaya’t nasa P15 billion hanggang P20 billion lamang ang target nitong tax collection sa unang taon ng implementasyon ng tax measure na lubhang malayo sa P60 billion target collection ng Malakanyang.

Nabatid na umalma rin si Enrile sa naturang akusasyon kung saan sinabi nitong maaaring maapektuhan ang relasyon ng Malacanang at Senado dahil sa mapanirang akusasyon ng executive officials.

Sa ngayon si Sen. Franklin Drilon na ang may hahawak sa Sin Tax bill kung saan balak nitong gamitin ang kontrobersiyal na committee report ni Recto at aamyendahan na lamang sa plenaryo.

Pero pasaring ni Recto bakit pa gamitin ang kanyang committee report samantalang binatikos ito dahil hindi alinsunod sa kagustuhan ng Malacanang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply