Recto nagbitiw sa komite dahil sa sin tax bill

HINDI nakayanan ni Sen. Ralph Recto ang kaliwa’t kanan na pressure sa sin tax bill kaya nagbitiw na siya bilang chairman ng Senate committee on ways and mean na humahawak ng lahat ng panukalang buwis.

Sa kanyang privileged speech nitong Lunes, sinabi ni Recto na hindi nya makayanan ang pressure mula sa miyembro ng Gabinete na dapat katulong niya sa paglikha ng batas para sa bagong buwis na siyang bumabatikos pa sa kanya.

Ayon kay Recto,  “historically, the journey towards a new tax law is always undertaken by the chairman of the Ways and Means committee and the DoF riding in tandem.”

“What the emerging situation now is that my position is no longer in synch with my supposed principal because I am now seen as an obstruction and viewed with suspicion, then I have to take myself out of the equation” aniya.

“Sa ganito pong sitwasyon, then my only recourse is to irrevocably resign the chairmanship of the committee,” dagdag ni Recto.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Recto na ibinibigay niya ang kanyang posisyon sa sinumang senador na mas mahusay na kalabanin ang kagustuhan ng Department of Finance na kailangan ng P60 bilyon sa sin tax bill.

“It is also but fair to them.  My friends in the Finance community should be disabused of the mistaken belief that the person they are backstopping appears to be backstabbing them,” giit ni Recto.

Magkasamang binabatikos si Recto ng Department of Finance at Department of Health matapos inihain sa plenaryo ang committee report na tumutukoy lamang sa halagang P15-P20 bilyong buwis na nakokolekta sakaling maipasa ang sin tax bill.

“Kung ang sabi nga ng BIR “so if no one is smoking, then the government will be saving P144 billion,” then sa ganang akin, from a fiscal point of view, there is higher yield for the government in banning tobacco products than in collecting taxes from them,” ayon kay Recto.

Sinabi pa ni Recto na kung kailangan ang kanyang pagbibitiw upang maghawan ng landas na mapapadali ang pagpasa sa sin tax bill alinsunod sa kagustuhan ng DOF at DOH.

“This will also spare my friends in the DoF and the DoH   of having to talk to each one of you in marketing their version’s supposed superior traits,” ayon kay Recto.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply