Recto Sin Tax Bill, inalmahan ng NVIS

BINATIKOS kahapon ni dating Health Secretary Dr. Esperanza Cabral ang sin tax bill version ni Senador Ralph Recto.

Ani Cabral, sablay na sablay ang panukala ni Recto na mas maliit kumpara sa bersyon ni Sen. Miriam Santiago.

Mas maganda umano ang bersyon ni Senator Santiago kung saan kikita ang pamahalaan ng P60 billion.

Malaki rin umano ang mababawas sa mga bumibili ng sigarilyo lalo na sa kabataan dahil sobrang mahal na nga ang sigarilyo.

Sinabi pa ni Cabral na sa bersyon ni Santiago, pwedeng maligtas ang 51,000 buhay dahil aabot sa bilang na ito ang mapipilitang huminto sa paninigarilyo.

Nilinaw pa ni Cabral na bilang doktor, hindi nila problema kung saan kukuha ng badyet ang gobyerno ng pera.

Ang problema umano nila ay ang mga naninigarilyo at nagkakasakit dahil sa paninigarilyo.

Kung hindi man umano makalikom ng malaking pera ang gobyerno para gastusin sa mga nagkakasakit ay okay lamang kung mababawasan naman ang bilang ng mga magkakasakit.

Sinabi pa ni Cabral na kapag tumakbo si Recto sa 2016 elections ay hindi niya ito iboboto at ikakampanya pa niyang huwag iboto dahil sa bersyon niya ng sin-tax bill.

Nakasisiguro rin umano siyang hindi iboboto ng mga doktor si Recto.

Siniguro naman ni New Vois Association, Inc, (NVIS) na hindi nila susuportahan si Recto sa kanyang bersyon ng Sin Tax biil.

Ani NVIS President Emer Rojas, mga advocate sila ng hindi paninigarilyo dahil sila mismo ang nakaranas ng pakikipaglaban sa kamatayan dahil sa cancer.

Ito umano ang dahilan kung bakit wala siyang boses at sana naman ay wala nang sumunod sa kanya.

Si Rojas ay gumagamitna lamang ng electronic voice cibrator upang makapagsalita.

Ito ang dahilan kaya tinig ng robot ang naririnig mula sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply