Recto sinupalpal ni ex-DoH Sec. Cabral sa Sin Tax Bill

SINUPALPAL ni dating Department of Health Secretary Esperanza Cabral ang bersyon ng Sin Tax Bill ni Senador Ralph Recto.

Ayon kay Cabral, mariin umano niyang tinututulan ang isinusulong na panukala ni Recto at sa halip ay pinaboran ang original version ni Senador Miriam Santiago.

Tiniyak naman ni Cabral na suportado ng Health Sector ang Sin Tax Bill ni Santiago subalit nagbanta ang dating kalihim na posibleng hindi nila iboto si Recto sakaling kumandidato itong muli.

Samantala, ipinagtanggol ni Recto ang sarili laban sa ilang kritiko na nagsasabing tila tinraydor sila ng senador at kumampi ito sa malalaking kumpanya ng alak at sigarilyo.

Sa bersyon ni Recto, umaabot lang sa P15 bilyon ang target na makokolekta sa buwis ng alak at sigarilyo. Malayo ito sa P60 bilyong target ng pamahalaan at P33 bilyon na ipinasa ng Kamara.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply