Red Bull Supreme Racing Team naiuwi ang tagumpay!

ISA na namang successful season ang dumaan para sa mga organizer ng National Karting races sa bansa. Hindi man ganoon kaingay ang balita sa karting event dito sa Pilipinas, patuloy pa rin itong namamayagpag.

Gaya na lang ng ginanap na 2012 Philippine National Super Kart Series, kung saan nagwagi ang Red Bull Supreme Racing Team sa pangunguna nina Nike Mora at Don Batino. Nanguna sa Veteran at Expert class si Nike Mora habang 2nd place overall naman si Don Batino sa Expert class.

Nakuha rin ng Red Bull Supreme Racing Team ang lahat ng award para sa Expert class at anim sa walong award para sa veteran class. At dahil na rin sa ipinamalas nila na galing, usap-usapan na sa pagtatapos ng season-ending race ay gagawing “Karter of the Year” si Nike Mora.

Dahil sa pagkakapanalo ng Red Bull Supreme Racing Team, naitala ito na kauna-unahang panalo para sa Expert at Veteran class ng isang single team para sa buong kasaysayan ng Philippine National Super Kart Series.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply