Red Lions tatapusin na ang Knights

TATANGKAIN ng defending champion San Beda College Red Lions na tapusin ang serye upang maangkin na ang titulo sa season 88 ng NCAA men’s basketball tournament.

Makahirit ng do-or-die ang nasa isip ng host Letran Knights kaya bukas ng alas-6:00 ng gabi pihadong umaatikabong bakbakan na naman ang mapapanood sa Game 2 Finals na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Sumingasing ang Red Lions sa Game 1 ng sagpangin ang 62-60 panalo sa Knights upang mamuro sa pagkopo ng ika 19th na kampeonato mula ng sumali sila sa nasabing liga.

Isang pamatay na steal ni Red Lion Baser Amer sa star player ng Knights na si Kevin Alas ang nagselyo upang itakas ng Mendiola-based San Beda ang manipis na panalo sa kanilang best-of-three Finals.

Sumakmal ng 20 puntos, anim na rebounds at tatlong assists si Amer habang sa loob tumulong si Lion Cameroonian center Ola Adeogun na may dinakmang 12 boards at walong puntos.

Bahagyang tumigil sa pag-atake ni Amer sa second half subalit ang rookie namang si Ryusel Koga ang dumamba ng puntos para sa three-peat seeking San Beda.

Dehado ang Letran subalit nakipagsabayan ang mga ito hanggang sa dulo ng labanan.

Angat ng dalawang puntos ang Red Lions may 20.9 segundo na lang ang natitirang oras sa final canto ng pumuwesto sa foul line si Adeogun.

Nagkaroon ng tsansa ang Knights na manalo o makapuwersa ng overtime matapos isablay ang dalawang free throws ni Adeogun.

Nabulabog naman ng depensa ni Amer si Alas kaya nauwi ito sa turn over nang dambahin ng una ang bola na nabitawan ng huli.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply