Red tail hawk, panlaban ng MIAA vs pasaway na ibon sa paliparan

GAGAMIT ng apat na red tail  hawk pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals laban sa mga pasaway ng ibon.

Ang  mga pakakawalang red tail hawk ng Manila International Airport Authority sa NAIA terminals ay para ipantaboy sa mga ibon na umaali-aligid sa paliparan na siyang nagiging hadlang sa paglapag at pag-take off  ng mga eroplano sa NAIA.

Ang hakbang ng MIAA ay kasunod ng reklamo ng mga piloto at airline companies sa perwisyong dinudulot ng mga ibon sa paliparan na pumapasok sa makina ng mga eroplano.

Bukod sa nalalagay sa peligro ang mga pasahero ng eroplano, malaking perwisyo at gastos din ang hinaharap ng airlines sa pagpapagawa ng mga nasisirang makina ng aircraft.

Kahapon, nagsimula nang magpakawala ng apat na agila ang airport ground operations and safety division ng MIA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply