Red Warriors at Stags magtutuos sa Fr. Martin Cup

MALALAMAN bukas kung sino ang tatanghaling kampeon sa 10th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament.

Maghaharap sa alas dos trenta ng hapon ang University of the East Red Warriors at San Sebastian College Golden Stags na gaganapin sa Trinity University of Asia Gym Quezon City.

Naikasa ng Red Lions at Golden Stags ang kanilang pagtutuos sa Finals matapos patalsikin sa semifinals ang kanilang mga nakatunggali kahapon.

Tinuhog ng Red Warriors ang Adamson University Falcons, 78-70 habang nilaplap ng Stags ang Jose Rizal University Heavy Bombers.

Si six-foot-five Charles Mammie ang umarangkada sa opensa para sa UE matapos magtala ng 21 markers.

Sina Jason Pusi­quit, Jaymar Perez at Bradwin Guinto naman ang nagtimon ng opnesa para sa SSC gamit ang 18 at tig 15 ayon sa pagkakasunod.

Samantala, sa juniors division, dinala nina Carlo Young at Jason Jimenez ang Chiang Kai Shek para patumbahin ang San Beda Red Cubs, 65-59.

Kumana ng 15 at 13 points sina Young at Jimenez upang iayos ang pagkikita nila ng Hope Christian School na inungusan ang Xavier School, 73-62, sa 21 markers ni Job Go.

Unang laro ang Chiang Kai Shek at Hope Christian School na mag-uumpisa ng 1:00 ng hapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply