Reelectionists na walang nagawa,’wag iboto

PINAYUHAN ng isang church-based poll watchdog ang mga botante na huwag nang ihalal muli sa darating na halalan ang mga reelectionist na wala namang nagawa sa puwesto.

 Ayon kay Parish Pastoral Council Responsible Voting (PPCRV) chairperson Henrietta de Villa, panahon na para maghanap naman ang publiko ng bagong public servants na higit na may kakayahan na humawak ng mahahalagang posisyon sa pamahalaan.
Sinabi ni de Villa na dapat na maging mapanuri ang mga botante at tingnang mabuti ang kakayahan ng mga kandidato, prinsipyo nito at kung may pagmamahal ba ito sa bayan.
“The voters need to be alerted. They should carefully examine the candidates to make sure they will be voting those with skills, principles and love for the nation,” ani de Villa.
Hindi rin nagustuhan ni de Villa na mga beteranong pulitiko, mga kabilang sa political dynasty at mga showbiz personalities ang nagdu-dominate sa halalan sa susunod na taon.
“There’s nothing wrong if you really delivered but what is worrying is that it’s not indicative of a healthy democracy,” paliwanag pa niya.
Gayunman, sinabi ni de Villa na ang mas mahalaga ay ang iboto ng tao ang mga kandidato na sa tingin nila ay karapat-dapat sa kanilang boto.
Ito aniya ang isinusulong ng PPCRV, ang magkaroon ng sapat na karunungan at kaalaman ang mga botante sa pagpili ng kandidato.
“Whether or not candidates came from a political dynasty if they did not serve the country well, they should not be voted,” aniya.
“This is what the PPCRV has been pushing for the voters to have wisdom in choosing their candidates. As they say, people deserve the government they choose,” aniya pa.
loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply