Registered voters umabot na sa 48 milyon – Comelec

TINATAYANG umaabot na sa 48 milyong botante ang opisyal na naitala ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, ang opisyal na listahan ay maaari pang madagdagan hanggang sa huling araw ng pagpaparehistro.

Kasabay nito ay muling nanawagan si Brillantes sa samantalahin na ang ilang araw pang natitira bago ang deadline ng voter’s registration.

Samantala, ipinahayag ni Brillantes na magiging maikli kumpara sa dati ang balotang gagamitin sa susunod na taon kasunod ng patuloy na pagkilos ng ahensya na linisin ang listahan ng mga partylist group.

Ayon kay Brillantes, sa susunod na mga araw ay magpapatuloy ang kanilang pagbusisi sa mga partylist group.

Bago dumating ang katapusan ng Nobyembre ay kanila nang maipiprisinta ang mas maikling listahan ng mga partylist na makalalahok sa May 2013 midterm elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply