Registrants siksikan sa tanggapan ng Comelec sa deadline ng registration

SIKSIKAN ngayon ang mga botante na humahabol sa last minute ng registration sa tanggapan ng Commision on elections (Comelec).

Upang umabot sa itinakdang deadline ay marami na sa mga botante na magpalipas ng gabi upang matiyak na makapagparehistro.

Kaugnay nito, nanindigan naman ang Comelec na hindi na palalawigin pa ang registration kung saan matatapos ito hanggang alas 5:00 mamayang hapon.

Kabilang naman ang mga makakahabol sa  pagpaparehistro  ang nakapila sa 30 meter radius  ng tanggapan ng Comelec.

Gayunman, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ,na sakaling masira ang kanilang makina ay hindi na rin sila tatanggap ng mga registrants.

Ayon pa kay Brillantes 200 hanggang 250 lamang ang maaaring i-register ng bawat computer sa loob ng isang araw.

“Ang hindi maintindihan ng tao, sinasabi na namin noon, magparehistro kayo nang maaga kasi sa dulo ang makina ho namin umiinit ho yan… hindi ho pwede mag-accommodate ‘yan ng libo-libo sa isang araw, puputok ho yan o iinit, masisira.” Ayon pa kay Brillantes.

Paliwanag pa ni Brillantes na ilang beses na silang nagpaalala na magparehistroi ng mga maaga  ang mga kuwalipikadong botante  kaya naman  hindi na nila aniya kasalanan kung marami ang  hindi makapagparehisto o makapagpa-validate ng kanilang records para sa halalan sa 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply