Reklamo ni Dindi

NAGING headline sa mga pahayagan sa Amerika at sa ilang newspapers din dito sa atin ang pagsasampa ng kasong diskriminasyon ng dating aktres na si Dindi Gallardo laban sa sikat na si Frank Miller at ang girlfriend nito na si Kimberly Cox.

Pumalo rin ang isyu sa mga social networking sites.

Si Frank Miller, para sa mga hindi pa nakakakilala, ay isang sikat na manunulat, tanyag at pinagkakapuring direktor at ang gumawa ng mga sikat na    graphic novel tulad na lang ng sikat na The Dark Knight Returns (Batman) at marami pang iba.

Tinitingala sa mundo ng pelikula sa Amerika at maging sa buong mundo si Miller.

Nagulat siguro ang marami dahil wala na rin naman tayong balita rito tungkol kay Dindi.

Matagal na siyang umalis ng Pilipinas at nagtrabaho na nga pala sa Amerika.

Kung mababasa ninyo ang mga reklamo ni Dindi na isinaad sa kanyang lawsuit laban sa kanyang employer na si Miller at sa girlfriend nga nito na si Cox ay masa-shock kayo.

Nakatatakot at nakadidiri ang mga pinaggagawa sa kanya ayon na rin sa kanyang sinumpaang salaysay.

Saludo ako kay Dindi Gallardo.

Kahanga-hanga ang ginawa niya.

Hindi madali ang magsampa ng kaso sa Amerika lalo pa laban sa mga sikat at may kapangyarihan.

Pero si Dindi Gallardo ay hindi naman din mababalewala. Edukada siya at naging beauty queen pa at artista.

Dagdag-hirap din siguro para sa kanya dahil, marahil, hindi naman niya binabandera kung sino siya at ang kasong ito ay naglagay sa kanya sa mga headline at maaaring maging pagsimulan pa ng mga paninira sa kanya.

Ang dala niyang pangalan at ang nakapirma sa isinampang kaso ay Joanna Gallardo-Mills.

Masaya ako na ang sabi sa mga report ay mahusay ang abogado ni Dindi dahil mahalaga na magaling ang kanyang abogado.

Pero ang punto ko ay ang ginawang pagrereklamo ni Dindi.

Marami akong kilalang Pilipino na nakaranas ng mga diskriminasyon sa ibang bansa pero hindi sila kasing tapang para mag-file ng reklamo sa kung ano-anong dahilan.

Marami sa kanila ay walang kumpiyansa na ituring ang sarili nila na mga regular na mamamayan ng bansang pinili nilang tirahan.

Marami sa kanila ang walang lakas ng loob na igiit ang kanilang mga karapatan bilang taxpayer o bilang isang tao.

Mahaba pa ang laban ni Dindi Gallardo at hindi ito magiging madali.

Makapangyarihan ang kanyang mga kalaban at sa pagsampa pa lang ng kaso ay parang nadungisan na niya ang reputasyon ng sikat na si Frank Miller at girlfriend nito.

Mabuhay ka Dindi sa iyong paninindigan. Pagpalain ka ng Diyos!

Sana ay maging ehemplo ka ng mga Pilipino sa ibang bansa na ipaglaban ang kanilang karapatan at huwag magpailalim sa mga mapang-aping uri. Email me at ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply