Reklamo ni Katrina Halili vs Hayden Kho, ibinasura ng CA

TULUYANG ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang reklamo ng sexy star na si Katrina Halili laban kay Hayden Kho kaugnay sa kumalat nilang sex video.

Ito ay matapos na pagtibayin ng CA 2nd Division ang nauna nitong desisyon na pabor sa desisyon ng Pasay TRegional Trial Court na ibasura ang kaso laban kay Kho dahil sa kawalan ng ebidensya.

Ayon sa korte, hindi napatunayan ni Halili na wala siyang pahintulot na kunan ng video ni Kho ang kanilang pagtatalik. Hindi rin napatunayan na si Kho ang nagkalat ng kanilang sex video sa internet.

Ang pag-amin ni Halili na bukod sa kanilang sex video ay alam din nito na may tatlo pang nakunan si Kho ng kaparehong insidente ay naging basehan din ng korte upang ibasura ang reklamo.

Dahil dito, hindi umano nakaranas ng psychological at emotional stress si Halili dahil alam nilang dalawa na naka-video ang kanilang pagtatalik.

Samantala, pinagtibay rin ng CA ang naunang desisyon ng appellate court na bawiin ang lisensya ni Kho bilang doktor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply