Reklamo vs kandidato, bubusisiin ng Comelec

MAGSISIMULA nang tumanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng mga disqualification cases laban sa mga aspiring candidates na naghain ng kanilang kandidatura para sa May 2013 midterm elections simula ngayong Sabado (Oktubre 6), kasunod nang pagtatapos sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, maaaring madiskuwalipika ang mga kandidato na mapapatunayang hindi Filipino citizen, hindi residente ng lugar kung saan ito kakandidato, convicted sa isang kaso, fugitive from justice o di kaya’y nuisance candidate o panggulong kandidato lamang.

Muli rin namang iginiit ni Sarmiento na hindi na sila magbibigay ng ekstensiyon sa paghahain ng COC, na nagtapos naman ng mapayapa ngayon.

Samantala, tulad naman ng inaasahan, dinagsa ng mga aspiring candidates ang mga tanggapan ng Comelec sa bansa, partikular na sa headquarters nito sa Intramuros, Manila, sa huling araw ng filing ng COC.

Sa kabila naman nang maraming naghain ng COC sa pagka-senador ay nanatiling tahimik ang sitwasyon sa labas ng Comelec at wala na ang mala-circus na pakulo ng mga naghahain ng kandidatura noong unang araw nito.

Sa ngayon ay kumpleto na at nakapaghain na ng kanilang kandidatura sa pagka-senador ang mga pambato ng administrasyon matapos na sunud-sunod na dumating at maghain ng COC sina re-electionist na si Sen. Allan Peter Cayetano, Bam Aquino, Risa Hontiveros at dating Sen. Ramon Magsaysay Jr..

Nag-file na rin ng COCs sina Rogelio Tomol, independent candidate na mula sa Cebu maging si Ulyn Villamor na taga-Cebu rin at sakaling palarin ay isusulong umano niya ang pagpapalawak ng industrial industry sa bansa, gayundin sina Norma Nueva ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL), si dating Cong. Christian Seneres ng Democratic Party of the Philippines at Manny Espinosa na taga-Nueva Ecija.

Habang isinusulat ang balitang ito ay si Nancy Binay, na anak ni Vice President Jejomar Binay at siyang kumumpleto sa senatorial line-up ng United Nationalist Alliance (UNA), na lamang ang hinihintay na maghain ng COC.

Dakong 2:00 ng hapon ay nasa 64 na ang mga aspiring senatorial candidates na nakapaghain ng COCs sa Comelec headquarters.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply