Reklamo vs ospital, Talk & Text at eskuwela

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na mailabas nila ang kanilang mga nalalalaman, paninindigan, reklamo at iba pa.

ANG DINASTIYA

Sa halip na religious dynasty o succession, politcal dynasty ang namayagpag sa Pilipinas dahil walang ginagawa o walang imik ang mga Simbahan. 0915442….

PARTYLIST NI MIKEY ARROYO

Good day po, sir! Tama lang naman po na ma-disqualify ang partylist ni Mikey Arroyo na kumakatawan sa mga security guard. Wala namang alam sa mga guwardiya. Ginagawa lang nila na uto-uto ang mga tao. Dapat na ikulong si cgma kasi nagdadahilan lang ‘yan na may sakit. Nakunan ng video na walang brace ang leeg, dapat itapon na yan sa kulungan. Bacea, ng Albay. 0906589….

REKLAMO VS TALK AND TEXT

Irereklamo ko lang po ang Talk & Txt. Dapat pinalalabas nila sa TV na wala na silang KATOK10 para po hindi na kami mag-register sa promo na ‘yan. Pati po ‘yung UA15. Pati po yang Smart buddy na yan, kapag mag-register ka sa promo nila, ‘yung 100 ay good umano for 7days na unli talk & txt. Hindi ka naman makatawag. Ano ba yan. Ang lakas pa nilang magnakaw ng load. ‘Wag n’yo na lang pong i-publish and # ko. Thanks,  God bless. 0907455….

NAGBABAYAD NG KURYENTE

Good pm po. Gusto ko lang pong itanong: bakit pinag babayad po kami ng 200 pesos ng Silang Central School, Cavite para pambayad ng bills ng ilaw at kuryente nila? ‘Di po ba may budget naman ‘yun sa gobyerno? Bakit po kaming mga magulang hinihingian? ‘Di po ba bawal ‘yun? Pakiparating po ang ginagawa ng mga taga-Silang Central dito sa Cavite. ‘Wag na po ninyong ipaalam ang no. ko. 0929535….

REKLAMO VS OSPITAL

Good am po, sir. Irereklamo ko po itong isang ospital dito sa bayan ng Cardona, Rizal na ang pangalan ay Queen Mary. Sobra naman po talaga ang singil nila sa pasyente. 3 days lang po, ang bill kaagad ay 30 thousand. tama po ba ito? Inireklamo ko na po ito pero walang nangyari. Kawawa po ang mga mahihirap. ‘Wag na po sana ninyong ilagay ang aking number. Salamat po. Jun, ng Cardona, Rizal. 0926170….

‘DI PATAS ANG MEDIA

Dito natin makikita na ‘di patas ang ginagawa ng media. Ang mga kamalian ni PNoy at mga kaso ng kanyang mga kaalyado ay walang naibababalita at ang mga ito ay nababalewala,katulad ng kasong graft and corruption ni ex-Gov. Grace Padaca ng Isabela. Wala sa media na si mismong Pangulong Aquino pa ang nagpiyansa sa kanya. Pero ang dating Pangulong GMA at kanyang mga kaalyado ay paulit-ulit na ibinabalita ng media. Kaya di maiwasan ang mediamen na madaramay sa patayan sa kanilang ‘di patas na pagbabalita. Kaya ang media tuloy ang nag-uumpisa ng kaguluhan. Kaya suspetsa ng ilan sila ay ‘nababayaran’ sa kanilang pinipiling ibabalita.
Maria Lourdes  Costales, MasCom student. (Hindi mo lang nasusubay-bayan ang magiting na kasaysayan ng media at malalaman mo ang aktuwal na buhay at kahulugan nito pagkatapos mong mag-aral at makapagtrabaho ka bilang mediaman. ‘Yan ay kung totoong MasCom student ka at willing kang magbuwis ng buhay para sa ating propesyon. BA) 092082….

TALAGANG TIRADOR

Magandang gabi po, Benny Antiporda. ‘Yung nahuli na holdaper diyan sa Parañaque City na kunwari’y bumibiyahe ng FX at nahuli sa checkpoint diyan sa Dra. Santos ay tirador dito sa Las Piñas. Dapat i…s…na yan. Tuwing madaling araw, bumibiyaheng Costal to Zapote ‘yung nahuli sa Parañaque na SUV, plate number UTZ 786 . Maraming as… ‘yung holdaper na itim na lalaki na Richie Cahinta ang ngalan. Tirador din yan ng buong National Capital Region. Salot ‘yan dito sa Las Piñas, bagong lipat lang dito ‘yan at wanted din yan sa Fairview. Maraming p…y yan, kasamahan yan ng palipat-lipat lang ng hide-out na mga holdaper, pati asawa nila tinira. Maraming salamat po at nahuli na ‘yung mga salot na ‘yan, mabulok sana sila sa kulongan. Dati, ‘yung Richie na yan nahulihan yan ng baril ngunit nagpiyansa umano ng P75,000. 0946896….

INGAT SA PANGANGASIWA

Kayo na nasa pamahalaan, ingatan ninyo ang inyong pangangasiwa sapagkat ang nakataya rito ay kapakanan ng mamamayan. Kung naala lamang ninyo ang ating pambansang bayani, para sa kanya ay “kailangang sundin ng pamahalaan ang mungkahi ng mamamayan sapagkat sila ang higit na nakauunawa sa kanilang pangangailangan.” At ‘yung magiting na pahayag ni Sen. Benigno Aquino na nagsabing “hindi nakapanghihinayang mamatay para sa sambayanang Filipino”, ito ang mga taong namamatay na makabuluhan ang pamumuhay rito sa mundo. S\G Zabala jp. Elite Force Security Agency. 0942563….

TUWID NA DAAN?

Hello po, Kuya Benny. Gusto ko lang pong ipaalam sa buong mundo na malapit nang mag-eleksyon. Sulitin natin ang kanya-kanyang diskarte ng mga politikong kasing guwapo at ganda at kasing laki nina Mahal at Mura. Nakahihiya mang aminin pero ito ang katotohanan, imahinasyon lang pala ang tuwid na daan! Sa tagal ng inupo sa trono lalo lang bumaluktot ang daan! Nakaaawa tayong mga Pinoy na malalapad ang noo pero walang laman. Dito sa amin sa Marikina, naturingan na doktor ang mayor at vice mayor pero lagi pa ring walang gamot sa mga health center at kadalasan may bayad pa! Ano ‘yun, JOKE! Kakahiya kayong ipagmalaki, eh, kay Mahal at Mura lang naman kayo maihahalintulad. Buti pa sila may kusang-loob, kayo puro Ahem! Pwe! 0930907…

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply