Relocatees sa Montalban, maglulunsad ng protesta sa NHA, DILG

ABOT sa 200 maralita ang lalahok sa isasagawang Sakbayan ngayong umaga mula Montalban patungong Maynila sa tanggapan ng NHA at DILG.

Ang kilos protesta ay tugon sa isinasagawang pagpapalayas sa kanila sa relokasyon ng gubyerno sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Rodriguez (Montalban) Rizal.

Ang hiling din nila sa gubyerno–disente, tiyak at ligtas na pabahay para sa mga maralita.

Ang mga lalahok ngayong umaga ay mula sa iba’t ibang samahan na kasapi ng Montalban Relocatees Alliance sa pangunguna ng Kadamay at Anakpawis Kasiglahan Village Chapter. Marami sa kanila ay biktima ng naganap na pagbaha sa relokasyon ng gubyerno sa pananalasa ng Hanging Habagat noong Agosto.

Matapos ang nasabing trahedya, 1,026 pamilyang relocatees ang nag-okupa sa mga bakanteng yunit na nasa mataas na bahagi ng relokasyon. Sa kabila ng kautusan ng lokal na pamahalaan ng Rodriguez Rizal na manatili ang mga residente sa kanilang bagong kabahayan, patuloy pa rin umano ang tangka ng mga tauhan ng National Housing Authority at kapulisan na sila ay palayasin.

Sasalubungin ang mga relocatees ng mga maralita mula sa North Triangle na nahaharap din sa banta ng sapilitang paglilikas sa kanila ng NHA at QC LGU patungong relokasyon sa Montalban.

Ayon kay Teresa Rovelo, lider ng Kadamay-Anawpawis Kasiglahan Village Chapter, umpisa pa lamang ang gagawin nilang Sakbayan ngayong umaga sa kanilang mga pagkilos laban sa bulok na programa sa pabahay ng administrasyong Aquino.

“Hanggat hindi inaaksyunan ng gubyerno ang kanilang kalagayan, nakahandang magtungo sa Maynila ang libu-libong maralita mula sa relokasyon sa Montalban,” dagdag ng lider.

Ayon pa kay Rovelo, nakahanay na umano ang isang malaking pagkilos ng mga relocatees patungong Times St sa mansyon ni Aquino bago matapos ang buwan ng Oktubre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply