Remate sumalo sa top spot sa NPC Cup

MALINIS sa dalawang laro ang Remate matapos kaldagin ang Quezon Press Corps, 84-72 kaninang umaga sa National Press Club, (NPC) President’s Cup Media Invitational Basketball Tournament sa PDEA Gym, Quezon City.

Dinaan ng mga bataan ni Benny Antiporda na sina A.Bayug at JR Reyes sa bilis ng takbo upang iwanan ng Remate ang QPC ng 17 puntos may 5:35 minuto na lang ang nalalabi sa third canto.

Naibaba ng QPC dribblers sa dalawang puntos ang hinahabol subalit ng pumasok ang best five ng Remate na sina Bayug, Reyes, Elech Dawa, Rico Navarro at Cris “El Aparador” Heramis sa fourth canto ay  umalagwa ulit sa 12 puntos ang lamang ng huli.

Dahil sa panalo sumalo ang Remate sa Pakitang Gilas sa top spot ng team standings.

Namuno sa opensa si Bayug na may tinikadang 23 puntos, sumegundo si Reyes na tumarak ng 22 points habang 14 pts. ang kinamada ni Dawa.

Bumakas din ng tig siyam na puntos sina Navarro at Peter Montalban, tig tatlong puntos naman sina Heramis at Ghie Convocar habang sina Joseph Lipasana at Genie Villota ay nag-ambag ng tig dalawang puntos.

Unang pinisak ng Remate ang Camanava, 58-55.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply