Rep. Teddy Casiño naghain na ng CoC

GAYA ng inaasahan, sinagasa ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang ulan upang tumakbo patungong Comelec upang maghain ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkasenador sa 2013.

Sinamahan si Casiño ng kaniyang kapartner sa Partylist na si Rep. Neri Javier Colmenares, kaniyang misis at dalawang anak.

“Iba Naman” ang tema ng kandidatura ni Casiño dahil aniya sa mga palagian na lamang prominenteng pangalan at pamilya ang nakikitang kumakandidato.

“Ang tanong ng marami, wala na bang iba? Kaya nga po ako nangangahas na tumakbong senador ay para may iba naman. For so many decades, the same old political clans and vested interests have dominated the Senate.,” ayon kay Casiño.

Samantala ngayong alas-11:00 ng umaga inaasahan namang pupunta sa Comelec si Aurora Rep. Sonny Angara upang maghain din ng kanyang CoC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply