Rescue sa nawawalang guro, patuloy

TUMULAK ngayong umaga ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa search and rescue operation sa pinaglubogan ng motorbanca na sinasakyan ng nawawalang guro sa Romblon.

Ayon sa PCG, nakilala ang biktima na si Anna Adarlo at nakasuot umano ito ng lifejacket bago pa man tuluyang lumubog ang sinasakyan nilang motorbanca na may markings na “El Padre” sa karagatan sa pagitan ng Tablas Island at Corcuera Simara Island kahapon ng tanghali.

Nabatid na hinampas ng malalakas na alon ang motorbanca hanggang sa lumubog.

Umaasa naman ang kaanak ng biktima na matatagpuan pa itong buhay at napadpada lamang sa kalapit na isla.

Si Adarlo ay isa sa mahigit na 10 guro na sakay ng motorbanca kung saan dalawa ang iniulat na namatay na nakilalang sina Department of Education Provincial Superintendent Eve Fajutag at staff nitong si Grace Mallorca.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply