Residente ng subdibisyon binoga ng sekyu, todas

DAHIL sa paso o expired na gate pass sticker, isang residente ng subdibisyon ang binaril at napatay ng guwardiyang sumita rito sa Quezon City nitong Lunes ng hapon, Oktubre 8.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng shotgun sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Ronald Umadle, residente ng hindi pinangalanang subdibisyon sa Fairview, Quezon City.

Hinahanting na ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit para panagutin sa krimen ang suspect na si Noel Dela Vega Llona, security guard ng naturang subdibisyon.

Sa ulat ng CIDU, naganap ang insidente dakong alas 4:10 ng hapon sa mismong gate ng naturang subdibisyon.

Bago ito, nagtalo na rin  nitong Lunes naman ng umaga  ang biktima at ang suspect dahil ayaw papasukin din ni Llona si Umadle sapagkat paso na ang gate pass sticker nito na nakadikit sa kanyang minamanehong L300 Mitsubishi (USU-707).

Walang nagawa si Umadle kundi ang umalis na lamang pero ilang oras ang nakalipas ay bumalik ulit ito pero  muling hindi pinapasok ni Llona sa subdbisyon.

Sa puntong ito, lalo lamang nagalit si Umadle kaya nagtalo na naman ang dalawa hanggang sa barilin na ni Llona ang biktima sa loob mismo ng kanyang van at saka tumakas at iniwan ang shotgun na ginamit sa krimen.

Ayon naman kay Rick Galing, pinsan ni Umadle, ang insidente ay may kinalaman sa sumisiklab na power struggle sa pagitan ng dati at kasalukuyang opisyal ng the subdivision’s homeowner’s association.

Si Galing ay dating board member ng nasabing asosasyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply