1 sugatan sa sunog sa Balintawak, QC

(UPDATED) SUGATAN ang isang lalaki sa sunog na sumiklab sa Gana Compound Barangay Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City Huwebes ng umaga.

Kinilala ang nasugatan na si Reynaldo Ramos, 30 anyos matapos itong mahulog sa bubungan ng isang bahay habang tumutulong sa pag-apula ng sunog.

Ayon kay Fire Marshall Fire/ Senior Supt. Bobby Baruelo nagsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng isang Maricris Mercado sa nasabing lugar dakong alas-9:45 ng umaga.

Nadamay sa sunog ang may 200 pang kabahayan kung kaya pansamantalang nabalam ang mga negosyo malapit sa pinangyarihan ng sunog.

Agad ding naapula ang sunog wala pang isang oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply