Resulta ng 2011 PNP entrance exam, pinawalang bisa ng NAPOLCOM

IPINAHAYAG ng National Police Commission (NAPOLCOM) na walang bisa o imbalido ang resulta ng Philippine National Police-Entrance Examination ng 387 examinees na nandaya sa pagsusulit noong isang
taon.

Ayon kay NAPOLCOM Vice-Chairman at Executive Officer Eduardo Escueta, ang ginawang pagbasura sa pagsusulit ng examinee ay upang mapanatili ng PNP ang kredibilidad at integridad nito.

Nagsagawa ang NACOLCOM ng analysis sa answer patterns ng mga pumasa sa exam noong Abril 17, 2011.

Base sa resulta ng pagsusuri, nagkaroon ng malawakang dayaan sa ilang testing center sa Mindanao makaraang magkapare-parehas ang mga maling sagot ng mga naturang examinee.

Batay sa isinasaad sa mga probisyon ng NAPOLCOM Memorandum Circular, hindi maaring kumuha ng eksaminasyon ang mga nandaya sa loob ng tatlong taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply