Ret. Gen. Arturo Cacdac Jr. at korapsyon sa PDEA

UUSAD kaya o lalong malulugmok ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakatalaga ng Malakanyang kay Ret. Gen. Arturo Cacdac, Jr.,  bilang UnderSecretary ng nasabing ahensiya kapalit  ni Ret. Gen. Jose Gutierrez, Jr.

Matatandaan na naging mainit at naging konrobersiyal ang PDEA nang magbanggaan sina Gutierrez at ang kanyang deputy na si Asst. Director Carlos Gadapan.

Lumabas ang maraming isyu ng corruption at lalo itong uminit  nang personal na magsalita si Gadapan sa Media laban sa noo’y  PDEA chief na si Gutierrez.

Nagkaroon ng masusing imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay  sa isyung kinasangkutan ng dalawang opisyal partikular na ang umano’y P8 milyon na ibinigay ng isang drug suspect.

Ayon sa ating source, tapos  na umano ang nasabing  imbestigasyon at isinumite na ng NBI  ang naging resulta nito sa Malakanyang kung kaya pinaniniwalaang posible umanong  ito ang  dahilan nang biglang pagkakasibak ni Gutierrez sa PDEA at ang ipinalit naman ay itong si Cacdac na sinasabing malapit umanong  kamag-anak ni ex-Pres.  GMA.

Ngayong may bago ng  USEC ang PDEA, umusad kaya ito o lalo lang itong mabaon o malugmok sa kontrobersiya? Ito po ang malaking katanungan ngayon ng  publiko, lalo na ng mga mamamahayag na nasubaybayan ang kalakaran dito magmula pa noon kay Ret. Gen. Dionisio Santiago, Jr, Ret. Gen. Jose Gutierrez, Jr at ngayon itong si Ret. Gen. Arturo Cacdac, Jr.

Aba, tatlong magkakasunod  na Junior “JR” pala ang naging  USEC ng PDEA.

May magbago kaya sa ikat-long JR? Let’s wait and see.

Gen. Cacdac, Sir, suggestion lang po ng ilan sa ating mga mamamahayag na nagkokober sa PDEA ay ipa-background check ninyo ang lahat ng  mga  ahente ng PDEA, lalo na iyong may mga magagarang sasakyan na  milyonaryo lang ang kayang bumili.

Dapat din sigurong  gumamit kayo ng kamay na bakal  para mapatino ninyo ang ilan sa mga ahente ninyo, lalo na ‘yung mga nagtatanim ng ebidensiya at nag-re-recycle.

Paimbestigahan ninyo rin ang mga nasibak sa puwesto na  dalawang Regional Director at isang STAFF ng PDEA.

Sana po, Ret. Gen. Cacdac, sa inyong pag-upo bilang USEC ng nasabing ahensiya, ay mabawasan man lang kahit kaunti ang corruption dito kung hindi man tuluyang masugpo, at sana rin po ay mawalis ninyo ang mga  ba-surang nasa paligid ninyo lang.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lamang po sa 0915-5683000 at 09087230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply