Retiradong parak, 2 pa tiklo sa pangingikil

NALAMBAT sa ikinasang follow-up operation ang isang retiradong pulis at dalawang kasabwat nito matapos tangkaing kikilan ang isang babae sa Quezon City.

Ang mga suspek na sina ex SPO2 Jaime Albao, Jay Cadiz at Joseph Villamor na naaresto sa kanilang bahay sa Tierra Pura area sa Tandang Sora ay nahulihan din ng isang kalibre .45 pistol, P600 cash, 5 cellphones, at ID cards.

Batay sa salaysay ng biktimang si Eleanor Penarocia, nakasakay siya sa isang pampasaherong jeep nang harangin at pababain ng mga suspek na ang isa ay nakasuot ng uniporme ng pulis, na lulan sa isang Asian utility vehicle (AUV).

Ayon sa biktima, pinasakay siya ng mga suspek sa kanilang sasakyan at doon kinikilan umano ng P24,000.

Minolestiya din umano ang biktima ng ilan sa mga suspek, ayon pa sa ulat.

Nang walang mapiga sa kanya, pinababa na siya ng mga suspek at saka siya nagtungo sa presinto para i-report ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply