Rice sufficiency program makakamtan hanggang 2013

NAKILALA  si Antonio Nangel bilang isang mahusay na engineer at mahusay ang kanyang pamamalakad noon sa Upper Pampanga River Irrigation System (UP-RIS).

Inamin ni Administrator Nangel, mahirap sa kanya ang pagtanggap sa posisyon ng National Irrigation Authority (NIA) dahil ang mga empleyado ng UPRIS ay nag-iyakan upang pigilan siya na umalis dito.

Mula noong 2007 hanggang 2009, nakilala si NIA Administrator Antonio Nangel sa kanyang kahusayan at  maayos na pamamalakad, hindi lamang sa isang tanggapan siya ipinagmamalaki. Minahal siya ng lahat ng mga nahawakan niyang opisina. Naging Best Regional Director at Hall of famer din siya sa Department of Ag-riculture (DA).

Ayon kay Administrator Nangel, walang na-encountered problema ang NIA mula sa pagpasok ng buwan ng tag-tuyot hanggang sa tag-ulan. Naging sapat ang suplay ng tubig at walang pahinga ang kanyang mga tauhan sa pagsasaayos ng water dams at irigasyon sa bansa.

Naging matagumpay ang “rice sufficiency program” ng gobyerno na inaasahang maisasakatuparan sa susunod na taon.

“Meron pa tayong schedule ng pag-ani sa darating na Disyembre at sa Marso sa susunod na taon,” ani Nangel kasabay ng pahayag na ipinapanalangin nila na wala sanang gaanong malakas na bagyong papasok sa bansa.

Sabi ng ilang magsasaka, mas mainam ang tagtuyot, dahil mas gusto nilang mag-ani ng palay nang hindi umuulan para hindi mabulok at masira ang kanilang tanim.

Kamakailan lang ay ipinag-kaloob na ng Department of Agriculture ang dagdag-puhunan na nagkakahalaga ng mahigit tatlong-daang libong piso sa Amyon Irrigators’ Association sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.

Ang nasabing dagdag-puhunan ay bahagi ng programang Sikat Saka sa pagitan ng DA at LBP. Para sa karag-dagang impormasyon tungkol sa programang ito makipag-ugnayan lamang sa inyong irrigators’ associations o sa pinakamalapit na tanggapan ng NIA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply