Rider bumangga sa poste ng LRT, kritikal

MALUBHA ang kalagayan ngayon ng isang rider matapos sunalpok sa poste ng Light Rail Transit ang dalang motorsiklo sa Caloocan City kahapon ng umaga

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Eric Rafael, 34, ng  BP Sosiedad, Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:50 ng umaga, nakainom umano ang biktima habang binabagtas ang kahabaan ng Rizal Avenue Extension sakay ng Kawasaki 135 cc (7205-XO).

Nabatid na ainiwasan nito ang isang lalaki kaya nawalan ng control sa manibela at nasalpok ang poste ng LRT.

Agad na dinala ang biktima sa nasabing pagamutan matapos magsuka at pumutok ang ulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply