Riding-in-tandem kumasa sa parak, tigbak

TODAS ang dalawang hinihinalang kawatan na nakasakay sa isang motorsiklo makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Sta. Cruz, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa report sa radio, naganap ang engkuwentro sa kanto ng Batangas at Felix Huertas Streets habang nagsasagawa ng isang follow up operation ang police patrol team.

Nanlaban ang mga suspek at nakipagpalitan ng putok kung saan natamaan ang dalawa na agad na ikinamatay ng mga ito.

Narekober sa mga suspek ang isang mobile phone at baril.

Naka-full alert simula ngayong araw ang mga pulis bunsod pa rin sa paggunita ng Undas (All Saints’ and All Souls’ Days) sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply