RJ Bautista dumalaw sa puntod ni Ramgen

NAGKASAMA-SAMA ang pamilya Revilla sa puntod kaugnay sa unang taong anibersaryo ng pagkamatay ng aktor na si Ramgen.

Batay sa ulat, magkakasamang nagtungo ang ilan sa mga angkan na Revilla sa puntod ni Ramgen sa Angelus Memorial Garden sa Imus, Cavite para mag-alay ng palangin sa yumaong aktor.

Maging ang kapatid nitong si RJ Bautista ay pansamantalang nakalabas ng kulungan kahapon upang makadalaw sa puntod ng aktor.

Si RJ ay isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Ramgen noong gabi ng Oktubre 28, 2011.

Gayunman ay nakabalik na sa bilangguan si RJ dahil anim na oras lamang mula kaninang alas-12:00 ng tanghali ang itinakda ng Parañaque City Regional Trial Court.

Nitong Oktubre 23 nang sumalang sa witness stand sa kauna-unahang pagkakataon ang nobya ni Ramgen na si Janelle Manahan.

Naging emosyunal ito sa pagsalaysay sa mga pangyayari noong gabi ng Oktubre 28 kung paano pinatay sa kanyang harapan ang boyfriend habang siya ay binaril naman sa mukha.

Muling itinakda ng korte ang direct examination sa dating aktres sa November 6.

Una ng sinabi ni Manahan na may pagsisisi ito dahil walang nagawa noong paslangin ang kasintahan.

Ayon sa dating aktres,  hindi nangibabaw ang kanyang takot at pagka-shock noong gabi nang pasukin sila sa bahay ni Ramgen upang nakahingi sana ng tulong o di kaya’y siya na ang nagsugod sa ospital sa nobyo.

Wala naman itong balak ipatanggal ang peklat na mula tama ng bala ng baril sa kanyang pisngi.

Kasabay nito inamin ni Manahan na nagagawa na nitong makipag-date pero iginiit na hindi pa siya handang umibig muli o pumasok sa isang relasyon.

Alam daw ni Manahan na walang sinuman ang makakapalit kay Ramgen na ngayon ay nag-iisang laman pa rin ng kanyang puso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply