Roach bibigyan ng incentive si Pacquiao

DATI ang ino-operan ni Freddie Roach ng $1,000 ay ang mga spar mates ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Bibigyan ni Roach ng $1,000 kung sino sa mga spar mates ni Pacquiao ang magpapabagsak sa Pambansang Kamao.

Ngayon ay binaliktad naman ni Roach, si boxing superstar Pacquiao ang inoperan ng $1,000 kung mapapabagsak nito kahit sino sa mga makaka spar niya.

Dumating ang team Pacquiao sa Los Angeles kahapon (Sabado ng gabi sa America) upang ipagpatuloy ang paghahanda sa nalalapit niyang laban kay Juan Manuel Marquez.

Isinagawa ni Filipino boxing icon Pacquiao ang unang tatlong ensayo nito sa lugar niya sa General Santos City kung saan ay orihinal na plano ay buong walong linggo siya maghahanda sa Wild Card Gym sa America.

Unang pagkakataon na nag-ensayo si Sarangani Congressman Pacquiao na wala sa tabi niya ang kanyang chief trainer Roach subalit sinabi naman niya sa huli na naging maganda naman ang kanyang pagpapakundisyon sa Pilipinas.

Ayon kay Roach isasara ang pintuan ng Gym habang nag-eensayo na si Pacquiao.

Magtatagpo sina Pacquiao at Marquez sa pang apat na pagkakataon sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply