Road rehab sa expressways tigil muna para sa Undas

PANSAMANTALANG inihinto ang lahat ng road rehabilitation projects sa lahat ng expressway simula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4.

Ang pagpapaliban sa proyekto ay upang matiyak ang maayos na biyahe ng mga motorista at pasahero na magtutungo sa mga lalawigan para gunitain ang Todos Los Santos at Undas.

Ayon kay Marlene Ochoa, Vice President for Corporate Communications ng North Luzon Expressway (NLEX), magbibigay sila ng online travel advisories at real-time traffic updates para sa mga motorista.

Ipinaliwanag ni Ochoa na ang advisory ay sa pamamagitan ng North Luzon Integrated Guide and Travel Advisory System.

Samantala, umarangkada na ang “Oplan Ligtas na Biyahe-Undas 2012” sa Quezon City ng Toll Regulatory Board bilang bahagi pa rin ng preparasyon para sa All Saints at All Souls days.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply