Rolbak ipatutupad ng Petron sa Lunes

SA LUNES, Oktubre 29 ay magpapatupad ng rolbak sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang Petron.

Simula alas-12:01 ng hatinggabi ay tatapyasan ng Petron ng P2.15 ang kada litro ng kanilang Blaze 100, Xtra, XCS Plus.

Babawasan naman P1.70 ang bawat litro ng Pinoy at regular gasoline.

Habang P1.35 per liter ang ibababa ng presyo ng DieselMax, Turbo Diesel, at kerosene.

Ang rollback ay bunsod pa rin ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply