Ronnie Alcano kampeon ng 5th Annual Pro-Classic 9-Ball

ITINANGHAL na kampeon ng 5th Annual Pro-Classic 9-Ball ang Pinoy cue master na si Ronnie “The Volcano” Alcano na ginanap sa New Iberia, Louisiana sa Estados Unidos.

Ginapi ni Alcano si Robb Saez sa iskor na 11-7.

Bago pa pataubin si Saez ay dinaig ni Alcano ang mga kababayang sina Francisco “Django” Bustamante at Israel Rota. Hindi rin umubra kay Alcano sina Shane Van Boening, Mike Davis, Wang Can, Ralph Eckert at Charlie Williams.

Naibulsa ni Alcano ang $3,300.00 o mahigit P136,000 na cash prize ng torneyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply