RoS, Gin Kings maggigirian

PAREHONG galing sa panalo at pareho ring sasandal sa momentum ang Rain or Shine Elasto Painters at crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings sa PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum bukas ng gabi, (Oct. 7).

Tinambakan ng Gin Kings ang Global Port Batang Pier, 110-90 sa opening day habang sa second day ng season 38 ay pinayuko ng Elasto Painters ang Petron Blaze Boosters, 102-86.

Mag-uumpisa ang girian ng RoS at Ginebra sa ala-sais trenta ng gabi pagkatapos ng laban ng Air21 Express at Batang Pier.

Pagkatapos ng labanan, isa sa Elasto Painters at Gin Kings ang makalalasap ng unang kabiguan habang isa sa Air21 at Global Port ang maglilista ng unang panalo.

Samantala, ang ibang teams na sumalpak ng unang panalo ay ang San Mig Coffee Mixers, Talk ‘N Text Tropang Texters at Barako Bull Energy Cola.

Noong Miyerkules nanalo ang Energy Cola sa Express, 90-87 habang kahapon naman kinaldag ng Mixers at Tropang Texters ang Alaska Aces, 103-83 at Meralco Bolts, 112-110 ayon sa pagkakasunod.

First quarter pa lang ay umalagwa na ang San Mig Coffee, 34-25 at lumobo pa ito sa first half, 57-42 matapos pangunahan ni Yancy De Ocampo ang opensa ng Mixers.

Tumapos si De Ocampo ng 22 puntos habang pumangalawa si James Yap na may 20 points.

Tinambakan din ng Tropang Texters ang Bolts, 86-64 sa third canto subalit naabutan ito at nakapuwersa pa ng overtime ang huli.

Kahit namuwersa na sina Jared Dillinger at Jason Castro ay dikit pa rin at nagkatalo sa extra period.

Kumana ng 20 pts. Si Dillinger habang 16 puntos si Castro para sa Tropang Texters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply