Ruffa Mae Quinto mas gwapong hunk ang ipinalit kay Boy2 Quizon

SO, NAG-END na pala ang relasyon nina Ruffa Mae Quinto at Boy2 Quizon na ngayon ay nauugnay naman sa daughter ni tita Daisy Romualdez na si Danita Paner. Ito namang si Ruffa Mae ay mas gwapong hunk naman raw ang ipinalit kay Boy2 sa katauhan ng dating Kapamilya actor na si Ahron Villena.

Magkasama ang dalawa sa eco fanta-serye ng TV 5 na Enchancted Garden at dito nabuo ang sinasabing relasyon ng mga ito na going to two months na.

Nagulat nga raw ang buong staff dahil bigla na lang naging sweet sa isa’t-isa sina Ruffa Mae at Ahron. At sabi, pana’y raw ang give ng seksing komedyana ng mga signature clothes and shoes sa kanyang bagong Papang nila-lafangga!

Aba’y hindi naman siya talo kay Ahron dahil guwapo na ito flawless ang buong katawan at higit sa lahat mas huge namang di hamak kay Boy 2. Knowing Booba (Ruffa Mae), ang feel nito ay mararagul na notes.

Di ba naman Deejay Durano, Rudy Hatfield, Duncan Ramos, except for Jay Manalo. Hahaha! I’m telling the thruth gyud!

***

Aljur Abrenica at Kris Bernal mas komportable at relax na sa Coffee Prince

SA tagal na rin ng kanilang love team ay hindi man naging sila ay nakabuo naman ng friendship sa isa’t-isa ang lalong gumugwaping na si Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Kaya naman nang malaman ni Aljur na muli silang pagtatambalin ng GMA 7 para sa pinoy adaptation ng korenovela na Coffee Prince na nagtala ng highest rating ng ipalabas ito noong 2008 sa Kapuso network.

Sobrang na-excite si Aljur lalo pa’t parehong challenging ang role na natoka sa kanila ni Kris. Gagampanan ng actor ang pangunahing character sa serye bilang si Arthur na happy-go-lucky at rich bachelor na ang pamilya ay owner ng pinakamalaking coffee factory sa kanilang bansa.

Dumating ang isang challenge sa buhay ni Arthur nang i-pressure siya ng kanyang grandmother na si Mamita (Celia Rodriguez) na maghanap na ng babaeng kanyang pakakasalan. At para makaiwas sa mga girl na inirereto ng kanyang lola Mamita ay naisip ng binata na i-hire ang barista sa kanilang Coffee Shop na si Andy na kunwari ay gay lover niya.

Alang-alang sa kanyang job na kailangang-kailangan niya para masuportahan ang lahat ng needs ng kanyang mother na si Beth (Tessie Tomas) at sister na si Mylene(Kim Komatsu), pinanindigan na ni Andy ang pagdi-disguise bilang men.

Kaya walang kamalay-malay itong si Arthur na tunay na girl ang lalaking kinutsaba para maka-iwas lang sa gustong mangyari ng kanyang lola Mamita. Kaso mo, sa hindi inaasahang pagkakataon ay na fall in love naman si Andy rito kay Arthur na hindi alam ng binata na may pagtingin na sa kanya ang kinuhang gay lover.

May gugulo sa napipintong magandang pagtitinginan ng dalawa at ito ay sina Arlene (Max Collins) at Errol na gagampanan naman ni Benjamin Alves. Magigiging happy kaya o sad ang love story nina Andy at Arthur?

By the way, para mas lalong maging swak na swak sa panlasa ng mga televiewers, mas ginawang pinoy pa ang remake ng Coffee Prince.

Rito sa version nila ni Kris ay nagda-drive ng tricycle ang dalaga na ginawa na ring hanapbuhay lalo pa’t siya na ang tumatayong tatay sa pamilya dahil namayapa na ang kanilang padre de familia. May ilang mga eksena silang ginawa na hindi napanood sa original version ng Coffee Prince.

At lahat ng ‘yan ay mapanonood n’yo gabi-gabi pagkatapos ng Luna Blanca sa GMA 7. Kabilang rin pala sa casts sina Boy2 Quizon, Steven Silva, Fabio Ide, Sef Cayadona, Leo Martinez, Ces Quesada at Ronnie Henares. This is directed by GMA 7 house director Ricky Davao.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply