Rumampang umaalug-alog ang boobs!

FIRST time naming ma-interview ang  baguhang hunk actor ng Kapuso Network, si Pancho Magno.

Nangyari ito sa set ng Magdalena sa Makati City. Ang Magdalena ay pinakabagong afternoon primetime soap ng GMA 7 na bida si Bella Padilla.

Bale ang soap na ito ang pinaka-biggest break ni Pancho dahil isa siya sa leading men rito ni Bella.

Ang dalawa pang leading men ay sina Dion Ignacio at Ryan Eigenmann. Rito lang sa Magdelena unang nabigyan ng lead role si Pancho pero may nasalihan pa siyang ibang soap na lumabas siyang supporting roles tulad ng Amaya, Broken Bow at Kasalanan Bang Ibigin Ka?

Si Pancho, bago pumasok sa showbiz, ay tapos na ng nursing at pumasa na sa nursing board. Kaya isa na siyang registered nurse. Tulad rin siya ni Rocco Nacino na registered nurse rin pero mas gustong mag-artista.

Bata pa si Pancho ay hilig na niya ang pag-aartista. Kaya lang, conservative ang kanyang pamilya at gustong mag-aral muna at magtapos bago mag-artista. Kinuha nya ang nursing, ayon na rin sa payo ng tiyahin na nasa U-SA. In demand kasi sa America ang male nurse.

Dahil guwapo, matipuno, sexy at may taas ng 6 ft, madaling nakapasok sa showbiz si Pancho. Pero dumaan muna siya sa masusing acting workshop bago nabigyan ng sunud-sunod na TV soap assignments. Dumaan siya sa magagaling na acting coach na tulad nina Beverly Vergel, Anne Villegas at Josef “Nanding” Jose.

Last Cosmo fashion show for male, rumampa nang nakapants lang si Pancho. Ipinakita niya ang kanyang magandang abs. Pero sa ending ay ibinaba niya ang pants at ipinakita ang kanyang behind na pinagtilam-tilaman ng mga babae at bading.

Sa sports, hilig niya ang basketball. Idol niya si Coby Bryant. Nag-aral siya ng elementary at college sa Don Bosco Institute sa Mandaluyong City. Dahil technical high school ang pinanggalingan niya, trouble shooter siya ng mga electrical matters sa kanilang bahay. Lumipat siya ng medical school nang siya’y mag-college na.

Sa ngayon, crush niya si Max Collins. Gagawin raw niya ang lahat para magkalapit sila. Nasisilaw siya sa beauty ng ganitong babae. Bukod pa sa mabait ito sa kanya. Siempre, crush rin niya ang kanyang leading lady na si Bella. Kaya lang, alam niya na taken na ito sa ngayon.

000

KAHIT sabihin na di pang-modelo ang height ni Andi Eigenmann, pinagkaguluhan naman siya ng fans, lalo ng mga kalalakihan, dahil sa umaalug-alog niyang boobs habang rumarampa sa entablado sa fashion show ng Lee Jeans na ginananap last Friday night sa MOA Atrium.

Dinumog ang fashion ng maraming kalalakihan dahil sa mga sexy out- fit ng mga kababaihang modelo na halos naka-two piece na nakasuot ng pambabang Lee jeans. Nai-present ng Lee ang kanilang midsummer collection for 2013.

Sa interview kay Andi, nasabi nitong first time lang niyang magmodelo ng jeans. Natutuwa raw siya dahil kahit ganito ang height niya ay napansin siya ng Lee Jeans at ginawang official endorser.

Pakiramdam ni Andi ay masayang-masaya siya dahil first time siyang rumampa sa ganitong kalaking fashion show.  Nakatataba ng puso para sa kanya ang reaction ng tao sa kanyang pagsusuot ng jeans.

Tungkol sa kanyang pagpapaseksi sa pelikulang pinagsamahan nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay, di raw niya masabi kung tuluy-tuloy na ba ito. At least ikinararangal niyang  kinuha siya ng Viva Films para maging isa sa lead roles.

Lahat ng ginagawa niya ay para sa kanyang baby girl na mahal na mahal niya at inspiration sa pag-aartista.

Tinanong ng press kay Andi kung loveless siya ngayon. Di siya makasagot. Ngiti lang ang kanyang iginanti. Alam na mga nag-iinterview sa kanyang may communication pa rin sila ng anak ni dating President Erap Estrada na si Jake Ejercito na nag-aaral ngayon sa London.

Kahit si Gabby Eigenmann na half-brother ni Andi ay nabanggit sa press nang bumisita sa set ng Sana’y Ikaw Na Nga na may communication pa rin sina Andi at Jake.

000

MALAKI ang ipinagbago sa pagsasayaw ng Masculados 2. Kitang-kita ang tatak Geleen Eugenio (choreo ng grupo)  sa kanilang pagsasayaw sa kanilang dalawang concert na naipresent sa dalawang venue: Zirkoh Morato at Bulaluhan Fiesta, Robinsons Nova. Puedeng-puedeng ihataw na sa mga production number ng Party Pilipinas ang all male group.

Susunod namang venue ng Masculados Dekada concert ay ang The Library Malate, Manila ngayong Martes, October 30.

Pinagkakaguluhan talaga ang production number nilang Gamnang dance. Kasi ba naman, sabay-sabay ang kanilang  pagsasayaw. Magaling ang choreo sa kanila ni Ms. Gelene, ang choreographer rin ng Party Pilipinas.

Bukod sa pagsasayaw, may bagong repertoire ang Masculados 2 na out na sa market. Ang bagong album nila ay Masculados Dekada.

Dahil ang anim na members ng Masculados 2 ay pawang macho, kilos macho rin siyempre ang kanilang pagsasayaw. Super liliksing gumiling at mag-move ng kanilang dance steps bukod pa sa may magagaling na boses ang grupo. Ewan ko ba bakit hanggang ngayon ay hindi pa naggi-guest ang Masculados 2 sa Party Pilipinas.

Aba! namumukod tanging all male group ngayon ang Masculados na hataw ang concerts sa iba’t ibang bar. Ang mga kapanabayan nilang all male group na kumakanta at sumasayaw ay na pawang namaaalam na dahil nagkawatak-watak na. Pero ang Masculados 2 ay sampung taon nang namamayagpag.

Kasi ba naman, hindi lang sila sumasayaw, magagaling rin silang umawit. Kinabibilangan nga pala ang grupo nina Orlando Sol, Enrico Mofar, Lexter Lazaro, Robin Robel, Nico Cordova at Ozu Ong. Out na sa mga record bars ang album  nilang Masculados Dekada.

Sa  concert nila sa Library Malate, tampok na panauhin ang Protégé na si Ruru Madrid. Magpapakitang gilas si Ruru sa pagsasayaw at pagkanta. Aba! multi talented ang batang ito dahil magaling rin siyang umarte. Si Ruru nga pala ang fave ng mga entertainment press pagdating sa pag-arte ng Protégé batch 2012.

000

NATAPOS noong Saturday night ang magarbong awards night ng Artista Academy na inabot ng madaling araw ang presentation dahil sa rami ng production numbers na pawang bongga!

Ginawang big event ng TV 5 ang kanilang biggest talent search na hopefully ay magmamarka sa entertainment industry.

Present ang chairman of the board ng TV5 na si Manny V. Pangilinan. Si MVP ang nag-award ng trophy at nag-abot ng premyo kay Vin Abreca, ang nahirang bilang Best Actor na pinaka-highest na award sa lalaki, saman- talang ang ka-love team ni Vin sa entire reality talent search na si Sophie Albert ang nag-uwi ng Best Actress award.

Pagkatapos ng awards night, nakausap namin si Vin na lubos ang pasasalamat sa support sa kanya ng kanyang pamilya na matamang nanood sa mahigit apat na oras na presentation ng Artista Academy Awards Night. Dumating ang utol niyang si Aljur Abrenica na sigaw nang sigaw kapag tinatawag ang pangalan ni Vin.

Inamin ni Vin na matagal na rin niyang gustong pumasok sa daigdig ng showbiz. Humahanap lang siya ng tiyempo. Nagkataon na nagkaroon ng Artista Academy. Pumila agad siya sa Smart Araneta para sa audition at pumasa naman siya. Napansin ng mga hurado ang galing niya sa pag-awit, pagsasayaw at pag-arte. Top notcher lagi sa kanyang mga grades si Vin buhat nang pumasok siya sa AA.

Samantala, ang Best Actress na si Sophie ay galing sa mariwasang pamilya. Taga-Wack Wack Subdivision siya sa Mandaluyong City. Galing ang pamilya ng mother niya sa angkan ng mga Reyeses na taga-Tarlac. Kaya kamag-anakan niya ang kasalukuyang Pangulo ng bansa, si Noynoy Aquino.

Kahit di siya mag-artista ay mabubuhay na siya ng marangya. Pero talagang hilig niya ang showbiz. Marunong rin siyang kumanta, sumayaw ay umarte. Commercial model siya bago napasok sa AA.

Ang mga nakalaban nina Vin at Sophie ay sina Mark Neumann, ang pinakaguwapo sa lahat, Chanel Morales, na super beauty, magaling umawit at sumayaw. Si Akihiro Blanco ang pinakamagaling umarte sa grupo at Shaira Mae ang pinaka-iyakin sa grupo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply