Safe-T Ryders’ 5th club meet

SA kabila ng sama ng panahon, tinuloy pa rin ng mga organizers at motorcycle riders ang Safe T Ryders’ 5th Club Meet up noong Setyembre 30, 2012 na dinaluhan ng Caloocan clubs.

Ang pang-limang club meet na ito ay inorganisa ng BRAD Riders Club sa pangunguna ni Jonell Miguel at Brgy. Kagawad Atty. Joel Clamor. Sinabi ni Atty. Clamor na ikinagagalak nila na gawin ang club meet sa kanilang lugar dahil na rin sa dumadaming bilang ng mga motorcycle riders sa Caloocan.

Ang road safety team naman ay binubuo nina Alberto Suansing, former LTO Chief at ngayon ay Secretary General ng Philippine Global Road Safety Partnership, Ms. Love-Love Tioseco, motorcycle racer at host ng Stoplight TV at Inside Motoring at ni Mr. Arnel Doria, founder ng Safe T Ryders Training Center.

Nagpadala naman ng team si DTI officer Atty. Pete Mendoza upang inspeksyunin ang mga helmet ng mga motorcycle riders at lagyan ito ng kaukulang ICC Stickers. Nagkaroon din ng partisipasyon ang Prestone kung saan tiningnan nila ang brake fluids ng mga motorsiklo ng riders at tinuruan ang mga ito kung paano ingatan at palitan ang kanilang mga brake fluids.

Ang Safe-T Ryders ay nagsasagawa ng Bikers Club Meet-Ups upang mapalaganap ang kanilang adhikain na maiwasan at mapababa ang aksidente sa kalsada at sana nawa’y wala ng mga motorista o pedestrian na masangkot sa anumang aksidente, lalo pa’t dumarami na ang bilang ng mga Pilipino na nagkakaroon at gumagamit ng motorsiklo.

Ang Club Meet Up ay suportado ng Gadgets Magazine, PGRSP, Motoring Today, Stoplight TV, Auto Review, Inside Motoring on DZRJ, Pinoy Speed sa Mga Pahayagan, Prestone at Barangay Government Unit ng Bagumbong.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply