Sakaling hatiin ang CamSur: CoC filing muling ikakasa

HANDA ang Commission on Elections (Comelec) na buksang muli ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Camarines Sur.

Ito’y sakaling magtagumpay ang Kongreso na hatiin ito sa dalawang lalawigan at likhain ang Nueva Camarines.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., bibigyan nila ng pagkakataon ang mga kandidato sa Nueva Camarines na makapaghain ng kandidatura para sa May 2013 polls kung maaaprubahan ang panukalang mahati ang lalawigan bago ang Enero 2013.

“Kung may bagong probinsiya then we will open it up for CoC filing,” pagtiyak ni Brillantes.

“Basta umabot before we do the configuration in January, pwede naming payagan,” aniya pa.

Target ng Comelec na masimulan ang pag-iimprenta ng mga balota sa Enero.

Ang House Bill 4820 ay nakabinbin sa Senado at sakaling maisabatas ito ay malilikha ang bagong lalawigan matapos itong maratipikahan sa isang plebisito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply