Sakit ni GMA dapat isaalang-alang – Bong

NANAWAGAN si Senator Ramon Bong Revilla, Jr., sa Sandiganbayan first division na isaalang-alang at maawa sa kalagayan ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang panawagan ni Revilla ay kasunod ng arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan laban kay Ginang Arroyo kaugnay sa kinakaharap nitong plunder case dahil sa umano’y maanomalyang paggamit sa P366 milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Umaasa si Revilla na makikiisa ang administrasyon at mga Pilipino sa kanyang panawagan na ikonsidera ng korte ang Motion for
Reconsideration na inihain ng mga abogado ng dating Pangulo.

Binigyang diin ni Revilla na pagkakataon na ito para patunayan ng Aquino government na hindi ito benggatibo.

Nilinaw naman ni Revilla na hindi dapat ipagwalang bahala ang kaso laban kay Arroyo subalit dapat ding isaalang alang ang pagkakaroon nito ng malubhang sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply