Sako-sakong endangered shell nasabat sa Zambo City

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Zamboanga station ang limang malalaking sako at mga kahon na naglalaman ng mga endangered helmet shell na umaabot sa halagang P200,000 sakay ng isang pampasaherong barko sa pampublikong daungan sa Zamboanga City.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang PCG Zamboanga station na dala ng barkong MV Ever Queen of Asia ang naturang mga endangered helmet shell na nanggaling pa sa Sulu.

Dahil dito, inabangan ng mga awtoridad ang naturang barko sa daungan ng lungsod at kaagad silang nagsagawa ng inspeksyon upang alamin kung may katotohanan ang naiparating sa kanilang impormasyon at nagpositibo naman na lulan ng barko ang mga sea shells.

Hindi pa matukoy ng pamunuan ng barko ang may-ari ng mga nakumpiskang endangered helmet shell dahil hindi umano nagpakilala ang lalaking nagpakarga nito sa kanilang barko.

Wala rin umano silang ideya na mga endangered shell ang nilalaman ng mga sako at karton.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply