Sakur Tan umapela sa bantang panggugulo ni Misuari

UMAPELA si Sulu governor Abdu Sakur Tan kay Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari na magpakahinahon sa usapin ng Bangsamoro political entity.

Sinabi ni Tan na umaasa siyang magrerespetuhan sila ni Misuari at huwag nitong ituloy ang bantang gulo sa Mindanao.

Ayon kay Tan, tumutulong siya sa MNLF at gayundin ang MNLF sa kanyang administrasyon na sumusuporta sa kanyang mga proyekto para sa mga mamamayan ng Sulu.

Nanawagan din si Tan sa sambayanan particular sa mga Muslim na pagbigyan ang nabuong Framework Agreement dahil sa pag-asang ito na ang solusyon sa matagal nang gulo sa Mindanao at tuloy na sa pagunlad ng buhay ng mga kababayan sa Mindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply