Salvage victim natagpuan sa Maynila

HINIHINALANG biktima ng summary execution ang natagpuang bangkay ng lalaki na nakatakip ng sako ang ulo kaninang madaling araw sa Binondo, Maynila.

Inilarawan ni SPO2 Glenzor Vallejo,ng imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na nasa edad 25-30, 5’2-5’3 ang taas, slim ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng kulay itim na maong short pants.

Nabatid na dakong a alas 2:20 ng madaling araw ng makita ng basurero ng Leonel Garbage Company  ang biktima na nakahalo sa bunton ng basura sa panulukan ng El Cano at Jaboneros St.Binondo, Maynila.

Naghahakot umano ang basura sina Jerry Mateo at Rhine Hart Agoc, nang makita ang bangkay dahilan para ipagbigay alam sa himpilan ng pulisya.

Sa imbestigasyon, may nakitang mga hiwa sa kanyang ulo at mukha ang biktima.

Dinala naman ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply