Same sex kadalasang biktima ng HIV

IPINAHAYAG ng Department of Health (DoH) na ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki, kadalasang biktima ng HIV.

Karamihan sa nagkakaroon ng human immunodeficiency virus (HIV) ay ang mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Sinabi ni Department of Health Asec. Eric Tayag na kabilang sa mga dahilan kung bakit kumakalat ang HIV ay ang pagkakaroon ng unprotected sex o ang hindi paggamit ng condom at ang pagkakaroon ng multiple sex partners.

Nanawagan din si Tayag sa mga gumagawa ng unprotected sex na ugaliin na magpa-HIV test kada anim na buwan para maprotektahan ang mga minamahal sa buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply