Sampal at untog sa ulo ang naranasan sa ‘Magdalena’ kaya napahagulgol ng iyak!

HINDI makalilimutan ni Bela Padilla ang matitinding eksenang pagpapahirap sa kanya sa set ng “Magdalena” ng character actress na si Irma Adlawan. Sampal at untog sa ulo ang naranasan niya kaya sa eksena ay walang tigil na luha ang kanyang naranasan.

Hindi naman nagalit si Bela sa ginawa sa kanya ni Irma, bagkus, nagpasalamat pa siya dahil naibigay niya nang totoo ang dapat na emosyon sa eksena.

Pero, si Irma, ayon kay Bela, nag-sorry sa kanya. ‘Di raw akalain ni Irma na mauuntog pa siya sa silya pagkasampal sa kanya. Para sa magandang young actress, parte ito ng trabaho niya bilang artista kaya dapat niyang tanggapin kung masaktan man siya. Artista siya at puedeng mangyari ang kahit anuman sa set.

Habang nagtatagal ang Magdalena sa afternoon soap ay lalong tumataas ang rating nito. Very contemporary kasi ang takbo ng kwento tungkol sa isang babaeng sobrang naaabuso ang sarili ng mga nanamantalang tao. Makababangon at magbabago ang buhay.

Ang baguhang actor na si Pancho Magno, isa sa mga leading men ni Bella, ang tutulong para makawala sa prostitution ang bida. Dadalhin niya si Bela sa modelling agency. Matatanggap naman ito kaya unti-unting bubuti ang buhay niya.

Kasama rin sa cast sina Dion Igancio, Ryan Eigenmann, Bodie Cruz, Princess Snell at iba pa. Si Gina Alajar kabogerang director.

000

NAKUHA na pala ni Alden Richards ang nabiling Hyundai van na mula sa kinita niyang highly successful soap ng GMA 7, ang “One True Love”, na ngayo’y  may re-run tuwing umaga bago ang soap na “Cielo de Angelina” na tampok ang love team nina Bea Binene at Jake Vargas.

Nakita namin ang bagong van ni Alden sa car park ng GMA 7 annex. Kagagaling lang nito sa Party Pilipinas kung saan siya regular nang lumalabas. ]

Masaya niya kaming binati at ipinakilala agad sa kanyang father na siyang nagda-drive ng bago niyang van.

Pag Sunday ay family day ng pamilya ni Alden. Narinig namin na pagkatapos ng Party P ay kakain ang buong mag-anak sa labas. Ganyan kamahal ni Alden ang kanyang pamilya.

Kaya okay lang kung wala pa siyang girlfriend ngayon. May nagmamahal namang mga magulang at mga kapatid.

Naikuwento ni Alden na nakapirma na siya sa Universal Records para gumawa ng album. Mismong ang nasabing recording company ang komontak kay Alden para sa album. Napanood kasi si Alden sa Party P. at nagalingan ang Universal sa kanyang boses.

Nalaman ng Universal Records management na maraming hukbo ng fans ngayon si Alden na tatangkilik ng kanyang album.

Ayon sa actor, may dalawang new singles siyang kakantahin. ‘Di pa lang niya alam ang title. Tapos the rest ay revival na lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply