San Beda inuwi ang 17th title sa NCAA

INIUWI ng San Beda College Red Lions ang titulo sa National Collegiate

Athletic Association (NCAA) makaraang talunin ang Letran Knights sa Game 3 sa iskor na 67-39.

Maliban sa ika-tatlong taon na sunod na pagkampeon sa NCAA men’s basketball, ito rin ang pang-17 titulo ng San Beda.

Sa laro kanina, tinambakan ng 28 puntos ng San Beda ang Letran hanggang sa huling minuto.

Ito ang kauna-unahang title victory ni bagong coach Ronnie Magsanoc sa San Beda.

Tinanghal na Finals Most Valuable Player (MVP) si Baser Amer na gumawa ng 14 puntos.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply