San Fernando, La Union diocese, may bagong obispo

MATAPOS ang halos isang taon, magkakaroon na ng bagong Obispo ang Diocese ng San Fernando sa La Union.

Itinalaga ni Pope Benedict XVI si Bishop Rodolfo Beltran ng Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe, bilang bagong pinuno ng Diocese of San Fernando.

Papalitan ni Beltran si Bishop Artemio Rillera, isang missionary mula sa Society of the Divine Word, na pumanaw noong Nobyembre 2011.

Nabatid na ang appointment ni Beltran, 63, ay inianunsiyo sa Vatican dakong 12:00 ng tanghali ng Martes, oras sa Vatican, o 7:00 ng gabi ng Martes naman sa Maynila.

Isinilang si Beltran noong Nobyembre 13, 1948 sa Gattaran, Cagayan at naordinahan bilang pari noong Marso 25, 1976 sa naturan ding bayan.

Wala pa namang petsang itinatakda ang simbahan kung kailan ang pormal na instalasyon ni Beltran bilang ikalimang Obispo ng San Fernando, La Union.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply