‘San Pedro Calungsod’ dumating na

NASA bansa na ang imahen ni San Pedro Calungsod mula Roma.

Ganap na 4:45 ng hapon kanina nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang imahen ng santo sakay ng Cathay Pacific flight number CX919 galing Hong Kong.

Magdamag namang mananatili sa University of Sto. Tomas (UST) ang imahen at matapos ay dadalhin sa Pasig, sunod sa Antipolo at sa Cubao, Quezon City.

Makaraan ang paglilibot ay mananatili na si San Pedro Calungsod sa Cebu.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply